PASONG TIRAD: ELEMENTO NG PERLAS NG SILANGAN
Kilala sa bansag na "Perlas ng Silangan" ang Pilipinas mula sa angking kariktang tinataglay nito. Kabilang sa mga bansang nakapaloob sa kontinenteng Asya, binubuo ito ng 7,107 kapuluang napalilibutan ng saganang likas na yaman - sapat hindi lamang upang tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan nito kundi pati na rin palutangin ang kagandahang hindi aasahan ng kahit sino. Nais mo bang makilala ang kahit isa man lamang sa mga lugar na nakapaloob sa bansang ito? Hayaan mong ipakilala ang Pasong Tirad, isa sa mga makasaysayang pook sa bansang Pilipinas. Ang Pasong Tirad o kilala sa wikang Ingles bilang Tirad Pass ay matatagpuan sa bayan ng Concepcion (Gregorio del Pilar ngayon), Ilocos Sur na siya namang nasa dakong kanluran ng Cordillera sa malaking kapuluan ng Luzon. Isa itong makitid na lagusan sa Bundok Tirad na bahagi naman ng nasabing bayan na kinaroroonan nito. May taas iton...